Friday, December 26, 2014

Kasaysayan ng Davao



Ang Kasaysayan ng Davao
Ni Felix B. Daray
            Ang Davao Region, kinikilala ngayon ng pinakamalakas  na pag-unlad sa ekonomiya, negosyo, at politikal sa pulo ng Mindanao. Mula sa isang higanteng Davao, sa kasalukuyan ay naging limang lalawigan at anim sa dakbayan.  Ang Dakbayan ng Davao  ay ang sentrong rehiyon ng Region 11 (Southern Mindanao).
Ang salitang Davao,  nagmula sa katutubong salita na dabao o duhwow na binigkas  ng unang mga ninuno mula sa tribong Tagabawa at Bagobo na naglalarawan sa Davao River.  Kung tanongin kong saan pupunta o saan galling ay agad sisnagot ka ng “davah” at tinuro ang direksiyon sa lugar na ngayon ay Trading. Ang duhwow ay nagpahiwatig ng lugar na nagbarter ang mga ninuno at Insek  sa mga produkto sa bukid kagaya nga mga halamang ugat o rootcrops sa mga tela, hinabing kumot, at mga alahas. Sa ngayon ang tinutukoy ay ang tinawag na Boulevard sa ngayon. Ayon sa iba, ang davah ay ang lugar na ngayon ay ang Bolton Bridge na malapit sa  bukana nga Davao River.
Iba’t-ibang  tribo ang naninirahan  ng Davao  noong  hindi pa nakarating  ang unang Katsila na si Don Jose Uyangoren noong 1848. Sa kalagitnaan ng Cotabato at Bukidnon, makikita ang mga  Bagobo. Sa mga pook na ngayon ay tinatawag  na  Lasang, Tuganay, Bingkungan, Libuganon at Hijo  ay doon  naninirahan  ang mga tribong Muslim o Kalagan. Sa bulubunduking lugar ng Maragusan nakita ang mga Mansaka.  Sa bandang Cateel at Mati, makita naman  ang mga Mandaya at Manobo. Kong patungo ka ng Malita at Sarangani, matatagpuan ang mga  katutubong  Sangil ug B’laan.  Dito  naman   sa Bansalan ang mga Bagobo. At  malapit sa paligid  ng  Bundok Apo, namumuhay  ang mga Bagobo at Ata  patungo  sa kagubatan ng Kapalong.
Nang dumating si Uyanguren  sa pagpalaganap ng Kristiyanismo sa  utos sa hari ng  Espanya; tinawag ang Davao na Nueva Vergara . Siya ang itinurong unang gobernador. Bago na-convert ang mga katutubo ng Kristiyanismo, nakipaglaban siya sa mga matatapang na kasamahan  ni Dato Bago, isang Muslim  at  ang mga tauhan nga magdirigmang si Datu Daupan.
 Taong 1867 nagsimula   ang unang settlement ng  Davao sa pagpatayo nga mga bahay malapit ilog na  ngayon ay  Bolton Bridge , patungong San Pedro Street , at sa ngayon, ang Saint Peters Cathedral na may 526 ka  taong mga Bisaya, Muslim at ilang katutubo.          
Taong 1890,  bumilis  ang pagdami nga mga  taong gustong maninirahan sa Davao  sa mga   lugar na sa ngayon ay barangay Tiggato at Maa. Ang kinikilalang  promenenting residente ay sila si Don Teodoro Palma Gil at Don Francisco Bangoy.
Taon 1903, nakarating sa Davao ang isang  Hapon na si Kichisaburo Ohta, sa pahintulot ng  Amerikanong Civil Governor na si  William  T.Taft . Pinalaganap niya ang agrikultura sa pagtatananim ng abaka, lubi at saging. Nagsimulang dumating ang mga  dayuhan mula sa Visayas at Luzon, tulad nga mga Boholano, Ilokano at Hilonggo na gustong kumita at magtrabaho sa maluluwag na plantasyon nga abaka. Dito nagsimula ang paglakas ng pag-unlad  sa  negosyo at kalakalan sa Davao.  Maraming nahikayat nga magkaroon ng matabang lupa. Ibinarter ng mga ninuno ang bahagi sa kanilang malawak nga lupain ng  tabako tinawag na Tres V, ( anim nga bilog na tinustos sa loob ng isang  pakite na maaring makagawa nga tatlong V), ang  kanilang lupain. Mapakasarap sa kanila ang pagtikim ng tabako na bago  pa sa kanilang paningin.  Ang iba, binarter nila ng dela-delatang sardinas. Sa ganon, nagsimulan ng nakapagmamay-ari  ang mga dayo ng lupa mula sa mga  katutubo.
 Marso 16, 1936 si  Kongresman Romualdo Quimpo nagpasa ng Batas,  Bill No. 609, Commonwealth Act No. 51 na naglikha na maging dakbayan na may populasyon nga 68,000 ka tao. Giinugurahan  na isang  chartered city noong Oktubre 16, 1936. Ang unang mayor na tinuro  o appointed ay si Hon. Santiago Artiaga. Mula noon, ang Siyudad sa Davao ay naging kapital  ng malawak na nag-isang lalawigan ng Davao. Iilang bayan pa lamang ang sinasakop tulad ng: Asuncion, Kapalong, Tagum, Mawab, Compostela Monkayo, Panabo, Santa Cruz,  Bansalan, Digos, Padala,  Malalag, Malita,  Jose Abad Santo, Babak, Kaputian , Samal, Pantukan, Lupon, Mati, Sigaboy, Cateel ug Manay. 
 Hunyo 17, 1967,  sa pamamagitan nga batas ni Kongresman  Lorenzo Sarmiento, RA No. 4867 nahati ng  tatlong lalawigan  ang Davao:  Davao del Norte, Davao del Sur at Davao Oriental.  Ang Davao del Norte nabiyak  muli noong March 7, 1998  sa Bill No. 8470 ng paglikha  ng  Compostela Valley Province o Comval.  At  sa nakalipas na taon Hulyo 23, 2013,  sa pamamagitan ng RA 10360, nahati na naman ang Davao del Sur. Ang bagong lalawigan  ay tinawag na Davao Occidental na  ang sentrong kapital ay ang bayan ng  Malita.  Sa ganon, naging limang lalawigan na ang buong Davao
 Marso 7 1998  sa RA No. 8471, naging  siyudad ang mga isla ng  Babak at Samal, tinawag  na  Island Garden City of Samal.  Sinundan na naman ang pagkasiyudad ang Tagum City noong 1998.  Septiyembre 8, 1999  naging siyudad ang Digos  sa Batas RA 2309 na pinasa ni Kongresman Douglas Cagas. Marso  31, 2001, muling nasiyudad ang Panabo City sa RA 9015. At ang pinakabunsong siyudad, ang Mati City  noong Hulyo 23, 2007.
Makikita sa  mga lambak, kapatagan at bulubunduking  lugar ng Davao Region ang mga malalawak na plantasyon ng saging, mangga, maisan, palayan at  orchids farms. Dito matitikman ang durian, pomelo oranges, mangosteen at ibang  mga prutas. Matitingnan natin  ang ubod ng ganda, ang Bundok Apo, na  laging dinarayo ng mga  turista; kasali  ang mga beach resorts, zipline  ng Kapatagan Digos, monkey eating eagle o agila sa Malagos, Calinan at iba pa. Sa bukid  sa Diwalwal, Comval Province, matatagpuan ang  malawak na mining area ng ginto.
Ang Siyudad  ng Davao, base sa Census and Stalistics Office 2010, umabot na tayo ng 2.22 milyon ka tao. Kinikilala ang siyudad na pinakamalaki  sa buong mundo base sa area na 2,443.61 kilometro kuwadrado; ikatlo sa Pilipinas at nangunguna sa buong Mindanao. Base sa estimate, umabot na tayo ngayon ng 5 milyon  ang  buong Region 11.
Ang mga natural born sa Davao  mula sa halo-halong rasa tulad ng  katutubo, Bisaya , Tagalog, o foreigner, tinawag ngayon na  ‘Davawenyo,’ hindi nagpapahiwatig na ang tinutukoy ay ang mga tao lamang ng  siyudad ng Davao, kong  hindi ang buong Davao Region. Sento porsento sa  Davawenyo, ay karaniwang makapagsalita  at makaintindi ng wikang Bisayan-Cebuano  bilang pang-araw-araw na komunikasyon; itinuring na dominant language ng Davao. Malakas  at mabisa pa rin ang pagkakaintindi ng wikang Filipino , bilang pambansang wika.
Wow! Kayraming tao na sa   Davao;  mula sa isang  malaking lalawigan,  ilang beses na nahahati tanda ng  pag-unlad sa ekonomiya at  paglaki  ng populasyon. Sa kasalukuyan, ang Davao Region o Southern  Mindanao ang nabubuo nga aning na dakbayan at limang lalawigan.




4 comments:

  1. Thank you very much Sir... Do you happen to know Pastor William Rodriquez of First Missionary Baptist Church of Davao po? He is actually my lolo

    ReplyDelete
  2. Bakit nga ba nakahati sa limang lalawigan ang davao?

    ReplyDelete