Ang Kasaysayan ng Davao
Ni Felix B. Daray
Ang Davao Region, kinikilala ngayon ng
pinakamalakas na pag-unlad sa ekonomiya,
negosyo, at politikal sa pulo ng Mindanao. Mula sa isang higanteng Davao, sa
kasalukuyan ay naging limang lalawigan at anim sa dakbayan. Ang Dakbayan ng Davao ay ang sentrong rehiyon ng Region 11
(Southern Mindanao).
Ang salitang Davao, nagmula sa
katutubong salita na dabao o duhwow na binigkas ng unang mga ninuno mula sa tribong Tagabawa
at Bagobo na naglalarawan sa Davao River.
Kung tanongin kong saan pupunta o saan galling ay agad sisnagot ka ng “davah”
at tinuro ang direksiyon sa lugar na ngayon ay Trading. Ang duhwow ay
nagpahiwatig ng lugar na nagbarter ang mga ninuno at Insek sa mga produkto sa bukid kagaya nga mga halamang
ugat o rootcrops sa mga tela, hinabing kumot, at mga alahas. Sa ngayon
ang tinutukoy ay ang tinawag na Boulevard sa ngayon. Ayon sa iba, ang davah
ay ang lugar na ngayon ay ang Bolton Bridge na malapit sa bukana nga Davao River.
Iba’t-ibang tribo ang
naninirahan ng Davao noong
hindi pa nakarating ang unang
Katsila na si Don Jose Uyangoren noong 1848. Sa kalagitnaan ng Cotabato at
Bukidnon, makikita ang mga Bagobo. Sa
mga pook na ngayon ay tinatawag na Lasang, Tuganay, Bingkungan, Libuganon at
Hijo ay doon naninirahan
ang mga tribong Muslim o Kalagan. Sa bulubunduking lugar ng Maragusan
nakita ang mga Mansaka. Sa bandang
Cateel at Mati, makita naman ang mga
Mandaya at Manobo. Kong patungo ka ng Malita at Sarangani, matatagpuan ang
mga katutubong Sangil ug B’laan. Dito
naman sa Bansalan ang mga
Bagobo. At malapit sa paligid ng
Bundok Apo, namumuhay ang mga
Bagobo at Ata patungo sa kagubatan ng Kapalong.
Nang dumating si Uyanguren
sa pagpalaganap ng Kristiyanismo sa
utos sa hari ng Espanya; tinawag
ang Davao na Nueva Vergara . Siya ang itinurong unang gobernador. Bago na-convert
ang mga katutubo ng Kristiyanismo, nakipaglaban siya sa mga matatapang na
kasamahan ni Dato Bago, isang
Muslim at ang mga tauhan nga magdirigmang si Datu
Daupan.
Taong 1867
nagsimula ang unang settlement ng Davao sa pagpatayo nga mga bahay malapit ilog
na ngayon ay Bolton Bridge , patungong San Pedro Street ,
at sa ngayon, ang Saint Peters Cathedral na may 526 ka taong mga Bisaya, Muslim at ilang katutubo.
Taong 1890,
bumilis ang pagdami nga mga taong gustong
maninirahan sa Davao sa mga lugar na sa ngayon ay barangay Tiggato at
Maa. Ang kinikilalang promenenting
residente ay sila si Don Teodoro Palma Gil at Don Francisco Bangoy.
Taon 1903, nakarating sa Davao ang isang Hapon na si Kichisaburo Ohta, sa pahintulot
ng Amerikanong Civil Governor na
si William T.Taft . Pinalaganap niya ang agrikultura sa
pagtatananim ng abaka, lubi at saging. Nagsimulang dumating ang mga dayuhan mula sa Visayas at Luzon, tulad nga
mga Boholano, Ilokano at Hilonggo na gustong kumita at magtrabaho sa maluluwag
na plantasyon nga abaka. Dito nagsimula ang paglakas ng pag-unlad sa
negosyo at kalakalan sa Davao.
Maraming nahikayat nga magkaroon ng matabang lupa. Ibinarter ng mga
ninuno ang bahagi sa kanilang malawak nga lupain ng tabako tinawag na Tres V, ( anim nga bilog na
tinustos sa loob ng isang pakite na
maaring makagawa nga tatlong V), ang
kanilang lupain. Mapakasarap sa kanila ang pagtikim ng tabako na
bago pa sa kanilang paningin. Ang iba, binarter nila ng dela-delatang
sardinas. Sa ganon, nagsimulan ng nakapagmamay-ari ang mga dayo ng lupa mula sa mga katutubo.
Marso 16, 1936 si Kongresman Romualdo Quimpo nagpasa ng
Batas, Bill No. 609, Commonwealth Act
No. 51 na naglikha na maging dakbayan na may populasyon nga 68,000 ka tao.
Giinugurahan na isang chartered city noong Oktubre 16, 1936.
Ang unang mayor na tinuro o appointed
ay si Hon. Santiago Artiaga. Mula noon, ang Siyudad sa Davao ay naging
kapital ng malawak na nag-isang
lalawigan ng Davao. Iilang bayan pa lamang ang sinasakop tulad ng: Asuncion,
Kapalong, Tagum, Mawab, Compostela Monkayo, Panabo, Santa Cruz, Bansalan, Digos, Padala, Malalag, Malita, Jose Abad Santo, Babak, Kaputian , Samal,
Pantukan, Lupon, Mati, Sigaboy, Cateel ug Manay.
Hunyo 17, 1967, sa pamamagitan nga batas ni Kongresman Lorenzo Sarmiento, RA No. 4867 nahati ng tatlong lalawigan ang Davao:
Davao del Norte, Davao del Sur at Davao Oriental. Ang Davao del Norte nabiyak muli noong March 7, 1998 sa Bill No. 8470 ng paglikha ng
Compostela Valley Province o Comval.
At sa nakalipas na taon Hulyo 23,
2013, sa pamamagitan ng RA 10360, nahati
na naman ang Davao del Sur. Ang bagong lalawigan ay tinawag na Davao Occidental na ang sentrong kapital ay ang bayan ng Malita.
Sa ganon, naging limang lalawigan na ang buong Davao
Marso 7 1998 sa RA No. 8471, naging siyudad ang mga isla ng Babak at Samal, tinawag na
Island Garden City of Samal.
Sinundan na naman ang pagkasiyudad ang Tagum City noong 1998. Septiyembre 8, 1999 naging siyudad ang Digos sa Batas RA 2309 na pinasa ni Kongresman
Douglas Cagas. Marso 31, 2001, muling
nasiyudad ang Panabo City sa RA 9015. At ang pinakabunsong siyudad, ang Mati
City noong Hulyo 23, 2007.
Makikita sa mga lambak, kapatagan at bulubunduking lugar ng Davao Region ang mga malalawak na
plantasyon ng saging, mangga, maisan, palayan at orchids farms. Dito matitikman ang
durian, pomelo oranges, mangosteen at ibang
mga prutas. Matitingnan natin ang
ubod ng ganda, ang Bundok Apo, na laging
dinarayo ng mga turista; kasali ang mga beach resorts, zipline ng Kapatagan Digos, monkey eating eagle
o agila sa Malagos, Calinan at iba pa. Sa bukid
sa Diwalwal, Comval Province, matatagpuan ang malawak na mining area ng ginto.
Ang Siyudad ng Davao,
base sa Census and Stalistics Office 2010, umabot na tayo ng 2.22 milyon ka
tao. Kinikilala ang siyudad na pinakamalaki
sa buong mundo base sa area na 2,443.61 kilometro kuwadrado;
ikatlo sa Pilipinas at nangunguna sa buong Mindanao. Base sa estimate,
umabot na tayo ngayon ng 5 milyon
ang buong Region 11.
Ang mga natural born sa Davao mula sa halo-halong rasa tulad ng katutubo, Bisaya , Tagalog, o foreigner,
tinawag ngayon na ‘Davawenyo,’ hindi
nagpapahiwatig na ang tinutukoy ay ang mga tao lamang ng siyudad ng Davao, kong hindi ang buong Davao Region. Sento porsento
sa Davawenyo, ay karaniwang makapagsalita at makaintindi ng wikang Bisayan-Cebuano bilang pang-araw-araw na komunikasyon;
itinuring na dominant language ng Davao. Malakas at mabisa pa rin ang pagkakaintindi ng wikang
Filipino , bilang pambansang wika.
Wow! Kayraming tao na sa
Davao; mula sa isang malaking lalawigan, ilang beses na nahahati tanda ng pag-unlad sa ekonomiya at paglaki
ng populasyon. Sa kasalukuyan, ang Davao Region o Southern Mindanao ang nabubuo nga aning na dakbayan at
limang lalawigan.